Monday, March 23, 2009

Madrama masyado... Mga hinanakit ng isang tao...

Minsan may mga bagay bagay na tayo lang ang nakakintindi; mga bagay na atin lang; minsan nakaka ilang magsabe

ANO NGA BA PROBLEMA MO???
Minsan may mararanasan ka na mga bagay bagay na ayaw mo. Iba iba ang tao, hindi lahat apre-pareho. Iba-ibang gusto at iba-ibang hilig. Kaya kung anong nakakasakit sayo e parang balewala sa kausap mo. Kaya ikaw lang ang may hinanakit, ikaw lang ang nagtatampo, pero nakaka ilang sabihin. Tatanungin ka kung anong problema, pag sinabe hindi ka naman seseryosohin. Dadaanin sa biro ang lahat, ams nakaka irita. Kayo-kayo na lang mag-usap...

SO, ANO NGA BA TALAGA ANG PROBLEMA?
Hindi lahat pareho ng solusyon sa problema. Hindi lahat importante. Kung hindi ka priority, hindi ka priority. Walang magawa. Hanggang doon na lang. Hindi lahat naaayos ng paumanhin lang, minsan kulang, minsan hindi. Mas masakit kung yun lang binigay pero kulang. Mas nakaka dismaya pa kung akala nila OK na. Nakakasakit kung ipapamukha pa. Ang kasalanan, hindi natatapos sa paumanhin. Hindi lahat pwedeng idaan sa ganun, Hindi sapapt, hindi lahat.

YUN LANG BA?
May mga tao naman na umiiwas lang. Hindi nagsasalita, hindi kumikibo. Kinabukasan, parang wala lang. Pero sayo, may hinihintay ka pa. Mahirap hingin ang paumanhin, dahil hindi siya hinihingi. Sa oras na hiningi, wala na itong saysay, wala nang kwenta. Mahirap magkunwaring ayos ang lahat kung hindi, mas mahiap kung sasabihin. Dumadalas ang minsan, araw-araw ang madalang. Lumalaki ang sugat, pero d pa rin pansin...

E ANONG GUSTO MO?
Mapag-usapan ng masinsinan. Dramang seryosohan. Magkaintindihan. Hindi ko hinihinging maging importante ako, gusto ko lang maramdaman na hindi ako binabalewala. Kinakalimutan. Parang wala lang. Left out. Neglected. Neglection list priority. Magka iba ang normal sa binabalewala. Malaki, pero mahirap makita. Magkaliwanagan, usap, tahimik. Maintindihan, hindi kailangang may iba. Maintindihan lang, ayos na ako.

SO GANUN NA LANG?
Maaari. Wala naman tayong magagwa. ganyan sila, ganito ako. May isang nagtatampo, nagdadamdam, hinanakit at ung isa wala. Kung hindi ka priority, hindi ka priority. Simpleng sagot, pero mahirap intindihin. Tanggapin...

ANO BANG NANGYARE?
Sabihin na nating masyadong matas ang pagpapahalagang binigay ko pero hindi nasuklian. Dismaya. Inis. Asar.

OK NA BA ANG LAHAT?
Sa kanila? oo. Sa akin? wan. Medyo. Siguro. Ikaw ang humusga.

E BAKIT SA AKIN MO SINASABE?
Wala akong masabihan. Hindi mo ko kilala, hindi ako naka kahon. Mahirap magsabe sa iba. Mahirap magbanggit ng pangalan. Malay mo, mabasa nila ito. Matamaan ang dapt mataman. Hindi ako seseryosohin ng mga taong dapar sumeryoso sakin. Masyado akong naka kahon sa personalidad na nabuo sa isipan nila.

SO, OK KA NA?
Pag natapos ito? Siguro. Malamang. Ewan.

ANONG MANGYAYARE PAGKATAPOS?
Siguro... Babalik sa date. basong may lamat pero ginagamet. Sayang. Hindi pwedeng itapon. Masyadong matagal nang nasa akin. Magan ang loob... Sana. Malabo.

BAKIT HINDI MO SA KANILA SABIHIN?
Hindi bagay sa akin. Sanay silang seryoso ako. At doon, hindi ako naseseryoso. tama na. Tigil na. Wala namang patutunguhan. mahirap.

ANONG BALAK MO NYAN?
Wala. Ikaw? Meron? Ako lang ang may hinanakit, dinadamdam. Nawawala na, mawawala na. Walang gasgas sa kanila, pero baso ko meron. Malake, butas, halata. Walang tampo sa kanila. Akin lang. Walang pagkakaintindihan. Balewalaan. Ako na lan... Wala ng away. Wala ng isyu. Ako na lan ulet na naan ang natataman. Hayaan na anten sa ganun. Mawawala. Luluha. Gagapang. Usok. Maglalaho.

Tagal umikot.

Tagay mo na. Kanina ka pa dumadaldal...

Lasing ka na ata...


Wilson Molina || 4:47 AM

Wilson[]Wilson
17[]17
CSB[]CSB
nov 18[]nov 18

[June 2006]
[July 2006]
[August 2006]
[September 2006]
[October 2006]
[November 2006]
[December 2006]
[January 2007]
[February 2007]
[March 2007]
[April 2007]
[May 2007]
[June 2007]
[July 2007]
[September 2007]
[November 2007]
[December 2007]
[January 2008]
[February 2008]
[April 2008]
[May 2008]
[June 2008]
[July 2008]
[August 2008]
[September 2008]
[October 2008]
[January 2009]
[March 2009]


br>


solo
pae
fhatz
joe c
ces
karen
aling
tine v

karen multiply
aika multiply
ghary multiply
tine m multiply
dj multiply
pae multiply
xes multiply

[blogger]
[blogskins]

Misunderstood, designed by [Clone], only at [BlogSkins]